Ang Dapat Mabatid Ng Mga Tagalog
Table of Contents
This Tagalog region (Katagalugan), governed in the olden days by our true compatriots, before the Spaniards ever set foot on these lands, lived in complete prosperity and comfort.
It was friendly with neighboring states and especially with the Japanese. They traded and exchanged goods. All sources of livelihood flourished greatly, and thus, the customs of all were rich.
The young and the old, and even the women, knew how to read and write in the true script of us Tagalogs.
The Spaniards arrived and came forward seeking friendship.
With their seemingly kind persuasion that they would lead us to greater well-being and further enlighten our minds, the said rulers were eventually charmed by the sweetness of their tempting words.
Nevertheless, they were subjected to the native custom of the Tagalogs, where agreements were witnessed and solidified through an oath that involved taking a little blood from their own veins, mixing it, and drinking it together, as a sign of true and complete sincerity, that they would not betray the agreement.
This is what is called the Blood Compact (Sandugo) (1) of Rajah Sikatuna and Legaspi, who was the representative of the King of Spain (2).
Since this happened, three centuries have now passed, during which we have sustained the descendants of Legaspi in total prosperity; we have allowed them to enjoy and satiated them, even if we were afflicted by shortage and extreme hunger.
We spent our wealth, blood, and even our lives in defending them. We fought against our own true countrymen who refused to submit to them, and likewise, we fought against the Chinese and the Dutch who planned to seize this Tagalog region from them.
Now, after all the expenses we have incurred, what comfort do we see given to our Nation?
What fulfillment of their promises, which were the reason for our sacrifice, do we see? Nothing but pure treachery in return for our blessings.
The fulfillment of their promise to awaken us to greater prosperity? Instead, they blinded us, infected us with their despicable behavior, forcibly destroyed the noble and beautiful customs of our Nation.
They initiated us into a false faith and plunged the honor of our Nation into the mire of evil.
If we dare to ask for even a drop of mercy, the answer is to deport us and separate us from the company of our beloved children, wives, and elderly parents. Every sigh that escapes our chests is considered a great sin and is immediately met with brutal, beastly savagery.
Now, there is no longer any security in our community.
Our peace is constantly disturbed by the echoing cries and lamentations, the deep sighs and anguish of countless orphans, widows, and parents of our compatriots who were victimized (3) by the Spanish oppressors.
Now, we are on the brink of drowning in the flooding tears of Mothers for the lives of their children cut short, in the wails of infants orphaned by cruelty, every drop of which is like boiling lead searing the painful wound of our suffering hearts. Now, more than ever, we are entangled in chains that are insulting to every man who holds honor.
What must we do?
The sun of reason that shines in the East clearly points out to our long-blinded eyes the path that we must take. Its light is a beacon to our eyes so we may see the claws that threaten us with death, offered by those of greedy character.
Reason teaches us that we can expect nothing but increasing hardship, increasing treachery, increasing indignity, and increasing slavery.
Reason teaches us not to waste time hoping for promised comfort that will not come and will not materialize.
Reason teaches us to rely on ourselves and not wait for our livelihood from others.
Reason teaches us to be one in heart, one in mind and thought, and to gather the strength to find a remedy for the evil that rules our Nation.
Now is the time for the light of truth to appear.
Now is the time for us to show that we have our own feelings, honor, shame, and mutual aid.
Now is the time to begin revealing the precious and great teachings that will destroy the thick curtain that blinds our minds. Now is the time for the Tagalogs to know the source of their hardships.
This is the day to recognize that with every step we take, we are treading upon and standing on the brink of the deep pit of death that our enemies set up for us.
Therefore, O countrymen! Let us open our blinded minds, and willingly spend our strength for the welfare, with true and complete hope of succeeding in the desired comfort of our native land.
Tagalog
Itong katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat. Bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog.
Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo.Gayon man, sila’y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kukumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na Sandugo (1) ng Haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa Espanya.(2)
Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa kagalingan? Bagkus tayo’y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.
At kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan. Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya (3) ng mga manlulupig na Kastila.
Ngayon, tayo’y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo’t lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kahirapan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalong kaalipustaan, at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway. Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.