Maharlikanism Maharlikanism

Ano ang Ibig Sabihin ng Maharlika?

by Juan Icon
November 10, 2023 4 minutes  • 835 words  •  Other languages:
Table of contents

Ang Maharlika ang pangalan ng pre-colonial na confederation na nakabase sa Maynila.

  • Ang ibig sabihin ng maha ay malaki kagaya ng Maharashtra at Mahabharata.

    • May dagdag ito na r kapag kinakabit sa ibang salita.
  • Ang ibig sabihin ng lika ay:

    • paglikha mula sa Tagalog na saliting “likha”
      • Sa Sanskrit, ang “likha” ay ang pagpinta
    • “maliit na tasa” sa Sanskrit. Ito ay binubuo ng:
      • “la” (tasa)
      • “ika” (maliit, pambabae)*

*Ang pottery ay isa sa sinaunang industriya ng tao. Isa sa mga mitolohiya ng Pilipinas ay ang pagbuo ni Bathala sa mga Maharlikan mula sa lupa na niluto. Ang katamtamang luto ay nagbuo sa Maharlika. Ang mga sunog na luto ay naging mga Negrito. Ang mga hilaw na luto ang naging mga Silangang Asyano.

Kaya naman, ang Maharlika ay nangangahulugang “isang bansa kung saan nagmumula, o nililikha ang mga dakilang bagay.” Ito ay iba sa kahulugan ng “Pilipinas” na nangangahulugang ari-arian ng Haring Philip II ng Espanya. Ang mga katangian ni Haring Philip II ay hindi marangal.

Upang mapabuti ang kalidad at katangian ng Pilipinas, kinakailangan nating talikuran ang pangalang “Pilipinas.”

Pero bakit nga ba iba-iba ang mga kahulugan ng pangalang Maharlika?

Kahulugan 1: Maharlika bilang Dugong Bughaw

Ang sentro ng Maharlika ay ang Maynila na noon ay kilala ng Dinastiyang Song bilang “Ma-yi,” mula sa kanilang bigkas ng “May-nila.”

Ang “nila” ay asul sa Sanskrit. Ito ang kulay na ginamit ng mga maginoo at maharlika. Dahil dito, ang Manila ay “lugar ng mga maharlika.”

Dahil dito, naging dugong bughaw ang isang ibig sabihin ng Maharlika.

Kahulugan 2: Maharlika bilang Kalayaan

Ang mga maginoo ay pinoprotektahan ng mga malalayang maharlika o timawa ayon sa caste system:

Maharlikan Indian
Maginoo Vaeshya
Maharlika o Timawa Ksattriya
Babaylan Brahmin
Aliping Namamahay Shudras
Aliping Sagigilid Shudras
Rizal

Timawá signifies now in Tagál: 'in peace, quietness, tranquil, free', etc. Maginoo, from the root ginoo, 'dignity,' is now the title of the chiefs. The chief's reunion is called 'kaginoóhan'. Colin says that the Chiefs used the title 'gat' or 'lakan', and the women 'dayang'. The title of 'mama' applied now to men, corresponds to 'uncle, Señor, Monsieur, Mr,' etc. and the title 'al' to women.

History of the Philippine Islands by Antonio de Morga

Dito nanggaling ang kahulugan ng Maharlika na kalayaan. Ito ay madala na naililito sa salitang Indones na merdeka.

Isang Konfederasyon Batay sa Kalakalan

Batay sa kahulugan ng Tsino na istoryador na si Chau-ju-kua, ang teritoryo ng Maharlika ay:

  • Luzon (Tondo, Bulacan)
  • Visayas
  • Western Mindanao + Sabah
  • Eastern Mindanao
  • Babuyan Islands

Gayunpaman, walang iisang saligang batas dahil lahat ng isla ay independent:

A ship will not remain at anchor longer than three or four days, after which it proceeds to another place; for the savage settlements along the coast of San-su [Visayas] are not connected by common jurisdiction [i.e. are all independent]

Chau Ju Kua

Ito ay karaniwan sa mga arkipelago. Halimbawa, ang mga Griyego ay nahahati sa mga city-states - Nakipaglaban ang mga Espartano sa mga Ateniense, at ang mga Ateniense sa mga Thebans. Ngunit tinatawag natin silang lahat na ‘mga Griyego’. Hindi natin hinihiwalay ang Sparta sa Athens.

Hindi din natin hinihiwalay ang Mindanao mula sa Luzon bilang mga Maharlikano.

Ang Konpederasyon ng Maharlika ay bahagi ng isang rehiyonal na network ng kalakalan na kasama ang:

  • Northern Taiwan
  • Luzon (Tondo, Bulacan, Ilocos)
  • Visayas (Cebu)
  • Mindanao (Butuan as Masawa)
  • Borneo (Brunei)
  • Moluccas
  • Celebes
  • Tendaya

Ang network na ito ay tinawag ng mga Kastila na “Filipinas”.

Samakatuwid, ang Filipinas, Pilipinas, o Pilipinas ay mga abstrakto ideya ng mga Kastila na talaga namang nagpapahayag lamang ng kanilang ambisyon at kasakiman.

Ang “Pilipinas” ay wala nang kinalaman sa mga Pilipino, kundi ito ay tungkol sa pagnanasa ng mga Kastila para sa ginto, pilak, mineral, spices, atbp.

Kaya naman ang pagiging “proud to be Pinoy” ay nangangahulugang pagmamalaki sa lupa na mayaman sa metal, spices, saging, niyog, isda, atbp.

Ito ay hindi nagpapahalaga ng iyong kakayahan, moralidad, o katalinuhan.

Kahulugan 3: Maharlika bilang Uri ng Mandirigma

Para maprotektahan ang trade network na ito, may sariling shared military force ang mga bansang kasapi.

Brunei is a large city with a very large bay.. many canoes, in number 260, were equipped to capture us and came upon us. When we saw them, we left hurriedly, and sailed out of the bay, whereupon we saw some junks coming. We went to them and captured one, in which was a son of the king of Luzon.

Pigafetta 1521

Ito ay iba sa mga hukbong militar ng Tsina, Hapon, Thailand, at Malaysia na ginamit para magsakop sa ibang bansa.

Dahil dito, naging ‘mandirigma’ ang isang kahulugan ng Maharlika. Ito ay katuland ng salitang “Spartan” na ibig sabihin ay matapang na mandirigmang Griyego.

Ito ang mga nagbigay sa atin ng tatlong magkaibang kahulugan ng Maharlika:

  1. Dugong Bughaw
  2. Kalayaan
  3. Mandirigma

Ang Tunay na Kasaysayan ng Maharlika

Mula sa orihinal na Sanskrit, kukunin natin ang totoong kahulugan na: “maliit na bansa kung saan nagmumula ang mga dakilang bagay”.

Sa bansang ito nagmumula ang mga dakilang katangian ng karangalan, kalayaan, at katapangan.